NatGeo run magpapahalaga sa kalikasan
MANILA, Philippines - Hindi lamang magiging isang regular weekend race ang NatGeo Earth Day Run (EDR) 2011 sa Abril 10 para maitampok ang physical fitness kundi para na rin maipabatid sa lahat ang kahalagahan ng pag-aalaga sa ating planeta at kalikasan.
“We Filipinos care a lot about our health. This time, let’s show our planet we care about its health,” ani FOX International Channels Territory director Jude Turcuato sa kanyang pag-imbita sa mga students, professionals, athletes, celebrities at health buffs para sumali sa nasabing event sa Bonifacio Global City.
Ang on-line listup ay makikita sa www.natgeorun.com hanggang Marso 27, habang ang on-site registration ay nagaganap sa NatGeo EDR booth sa left wing ground floor ng Greenbelt 3 sa Makati City hanggang Abril 3.
Ang entry fees ay P600 (3k), P700 (5k), P900 (10k) at P1,150 (21k), kasama na ang isang NatGeo EDR limited edition technical shirt.
Kumpiyansa ang nag-oorganisang Event King Corp. na madodoble ang bilang ng mga kalahok ngayong taon para sa event na pinamamahalaan ng National Geographic Channel (NGC) at Greenbelt.
Idinagdag sa event ang 21k race para pagbigyan ng kahilingan ng mga middle distance runners at maging isang four-category event.
Ang iba pang races ay ang 3k at 5k fun runs at 10k competition.
- Latest
- Trending