MANILA, Philippines - Naglaro nang wala ang mga injured na sina two-time PBA Most Valuable Player James Yap, Rico Maierhofer, Jonas Villanueva, Don Allado at Jonas Villanueva, nagawa pa rin ng Llamados na ipalasap sa Nationals ang unang kabiguan nito.
Nagtuwang sina PJ Simon, KG Canaleta at import Shamari Spears sa extra period para igiya ang Derby Ace sa malaking 98-90 panalo kontra Smart-Gilas sa overtime at buhayin ang kanilang tsansa sa isa sa anim na playoff seats sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Big Dome.
“We just made the big plays in the end game. We just kept it close and the team who makes the big plays and the big shots will win,” ani coach Jorge Gallent.
May 3-4 baraha ngayon ang Derby Ace sa ilalim ng Smart-Gilas (5-1), Talk ‘N Text (5-1), Alaska (4-2), Barangay Ginebra (4-2) at Rain or Shine (3-3) kasunod ang Powerade (2-4), Air21 (2-4), Meralco (1-4) at San Miguel (1-5).
Sa kabila ng pagkawala ni 6-foot-11 Marcus Douthit sa 5:27 ng third period bunga ng isang right ankle sprain, nagposte pa rin ang Nationals ng isang 10-point lead, 63-53, sa 3:05 nito mula sa tatlong sunod na three-point shots nina Chris Tiu at Marcio Lassiter.
Ayon kay Gallent, naging malaking bentahe para sa Llamados ang hindi na pagbabalik ng 30-anyos na si Douthit, tumapos na may 14 points, 8 rebounds at 2 shotblocks.
B-Meg Derby Ace 98 - Spears 26, Simon 20, Pingris 18, Raymundo 17, Canaleta 13, Yap R. 4, Gaco 0, Fernandez 0, Escobal 0, Adducul 0.
Smart Gilas 90 - Baracael 19, Tiu 16, Lassiter 14, Douthit 14, Barroca 7, Casio 6, Aguilar 6, Slaughter 5, Lutz 3, Ababou 0, Ramos 0.
Quarterscores: 17-20, 37-42, 63-67, 86-86, 98-90.