^

PSN Palaro

Gulo sa PKF tatapusin na ni GTK, Romasanta haharapin na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi mangingiming ha­rapin ni Go Teng Kok si Joey Romasanta upang makipagliwanagan sa problema patungkol sa pampanguluhan ng Philippine Karatedo Federation (PFK).

Sa pagdalo ni Go sa PSA Forum kasama ang legal counsel na si Atty. Sammy Estimo, kanyang inihayag ang napipintong pagkukrus ng landas nila ni Romasanta na maaaring mangyari sa POC General Assembly sa Marso 30.

“Dadalo ako sa Gene­ral Assembly at sana ay dumalo rin si Romasanta,” wika ni Go na nakikipagta­gisan sa dating kakampi para sa pampanguluhan ng PKF.

Hindi ang puwesto bilang pangulo ang nais ni Go na hawakan dahil sinabi nitong puwede niya itong ibigay kay Romasanta kahit ngayon na.

Pero ang pamamara­an sa pagkakatanggal sa kanya ng wala sa tamang proseso ang kanyang iniin­da at siyang ipinaglalaban ni Go.

Tinanggal si Go bilang presidente dahil bawal uma­no ito sa Constitution ng PKF ang magkaroon ng pangulo na may iba pang pinamumunuang NSAs.

Si Go ay pangulo rin ng athletics ng bansa.

Ngunit sa ipinatawag na pagpupulong ni Go na kung saan 15 buhat sa 22 kasapi ang sumipot, pinagtibay nila ang pagki­lala kay Go at ang inalis ay si Romasanta.

Ang problema ay uma­ bot na sa POC at ang exe­cutive board ay kumiling kay Romasanta sa kasun­duang magpapatawag ito ng isang national election sa kanilang national open na isasabay sa PNoy National Games sa Mayo.

Hindi ito kinikilala ni Go at para mapigil ito ay dumulog na siya sa Pasig City Regional Trial Court nitong Lunes para magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) sa pagkilala ng POC kay Romasanta.

Bukod kay Romasanta, inireklamo rin ni Go si POC President Jose Cojuangco Jr., at secretary general Ste­ve Hontiveros.

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

JOEY ROMASANTA

NATIONAL GAMES

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

PHILIPPINE KARATEDO FEDERATION

PRESIDENT JOSE COJUANGCO JR.

ROMASANTA

SAMMY ESTIMO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with