MANILA, Philippines - Sa kanyang pag-akyat sa light flyweight division, makakabangga ni Filipino world minimumweight champion Donnie “Ahas” Nietes si Amando Vasquez ng Mexico.
Magtatagpo sina Nietes at Vasquez sa isang 10-round, non-title fight sa Abril 9 sa La Salle Coliseum sa Bacolod City.
“Ibibigay ko ang best ko para maganda ang maging resulta ng laban namin,” sabi ng 28-anyos na tubong Murcia, Negros Occidental.
Si Nietes ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) minimumweight king.
Kasalukuyang tangan ni Nietes ang 27-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 15 KOs, habang dala ni Vasquez ang 18-5-0 (4 KOs).
Apat na beses na matagumpay na naidepensa ni Nietes ang kanyang WBO minimumweight crown.
“We will do every best thing possible way to have the title fight here,” wika naman ni promoter Michael Aldeguer ng ALA Boxing Promotions.
Hindi naman nagkukumpiyansa si Nietes kay Vasquez. “Hindi naman po tayo nagku-kumpiyansa especially against sa Mexican. Handang-handa naman po tayo dito sa laban natin kay Vazquez,” ani Nietes.