^

PSN Palaro

Sacramento nilampaso ng Chicago

-

CHICAGO--Nagposte sina Derrick Rose at Kyle Korver ng tig-18 points para ihatid ang Chicago Bulls sa 132-92 paglampaso sa Sacramento Kings para sa pang siyam na panalo sa 10 laro.

“It’s fun,” wika ni Rose. “I can’t complain about anything right now. We’re winning games, playing good basketball and the city is going crazy.”

Ang tagumpay ang nag­bigay sa Bulls ng (50-19) kanilang unang 50-win season sapul noong 1997-98.

Nanatiling magkatabla ang Chicago at Boston sa liderato ng Eastern Confe­rence.

Ang naturang 1997-98 edition ng Bulls ang nagwa­gi ng NBA championship, ang huli sa kanilang anim na korona noong 1990s.

Nagdagdag si Boozer ng 16 points sa kanyang pag­babalik sa lineup ng Bulls matapos magpahinga ng limang laro dahil sa isang sprained left ankle.

Nag-ambag si Luol Deng ng 17 points para sa Bulls kasunod ang 15 ni Keith Bogans.

Sa Memphis, pinayuko ng host team ang Utah Jazz, 103-85 upang mapatatag ang kanilang kapit sa final Western Conference playoff spot.

Sa Denver, naglabas ang Nuggets ng mala-lin­tang depensa upang puwersahin ang kalabang Toronto Raptors na guma­wa ng 23 turnover tungo sa 123-90 pagmasaker sa Raptors.

Sa iba pang resulta, nanalo ang San Antonio sa Golden State, 111-96 at hiniya ng Orlando ang Cleveland, 97-86.

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

EASTERN CONFE

GOLDEN STATE

KEITH BOGANS

KYLE KORVER

LUOL DENG

SA DENVER

SA MEMPHIS

SACRAMENTO KINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with