Azkals reresbak
MANILA, Philippines - Nangako ang Philippine men’s team na Azkals na babawi mula sa nakapanghihinayang nilang draw sa White Angels ng Myanmar sa pakikipagsagupa sa Palestine ngayon sa group stage ng 2011 AFC Challenge Cup sa Rangoon, Myanmar.
Nagtapos sa 1-1 ang naturang laro ng Azkals at White Angels para sa kanilang tig-1 points. Ayon sa scoring system, ang won game ay may katumbas na 3 points at ang draw ay 1 point.
Kung makakaipon ang Azkals ng 6 points ay tuluyan na silang makakapasok sa tournament proper ng AFC Challenge Cup sa susunod na taon.
“Heartbreaking result for us yesterday! So close to getting the massive 3 points against the host team!.. Palestine up next and need a W!!,” sabi ni team captain Aly Borromeo kahapon sa kanyang Twitter account.
Matapos ang penalty kick ni James Younghusband na nagbigay sa Azkals ng 1-0 lamang sa pang 76th minute ng second half, isang free kick naman ang naipasok ni Khin Maung Lwin na nagtabla sa White Angels sa 1-1.
Ang free kick ni Lwin ay nagmula sa foul ni Fil-Briton Simon Greatwich sa huling minuto ng extra time.
“Very unfortunate. Personally, I don’t think it’s a foul but the team played well,” sabi ni Fil-Briton goalkeeper Neil Etheridge.
Isang scoress draw ang nangyari sa unang pagtatagpo ng Azkals at White Angels noong Disyembre sa AFC Suzuki Cup sa Vietnam.
Matapos ang Palestine, ang Bangladesh naman ang sasagupain ng Azkals sa Biyernes para sa kanilang huling laro.
Umabante ang Azkals sa group stage nang ta lunin ang Blue Wolves ng Mongolia via 3-2 aggregate goal.
Tinalo ng Azkals ang Blue Wolves, 2-0, noong Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod City bago nanalo ang huli, 2-1, sa ka nilang ikalawang pagkikita noong Marso 15 sa Ulan Bator, Mongolia.
Sa kanilang ikalawang paghaharap ng White Angels nakuha ni striker Phil Younghusband ang kanyang hamstring injury.
Tatlong linggo ang kakailanganin ng 22-anyos na si Phil para maka-recover sa nasabing injury, ayon kay German coach Michael Weiss.
- Latest
- Trending