^

PSN Palaro

Korona nakawala uli sa kamay ni Patrombon

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Nakapagbigay man ng magandang laban ay bigo pa rin si Jeson Patrombon sa hangaring kampeonato nang lasapin ang 6-4, 7-6(4) kabiguan kay Andrew Whittington ng Australia sa finals ng 17th Sarawak Chief of Minister’s Cup sa Kuching, Malaysia.

Krusyal sa laro ang eight game sa first set na kung saan lamang si Patrom­bon sa 4-3 at angat sa game sa 0-30 nang makahulagpos ang inaasahang tagumpay na nagbigay ng momentum sa second seed na si Whittington.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon para sa 17-anyos na Patrombon na natalo siya sa finals ka­hit siya ang top seed ng torneo.

 Unang kabiguan ay nangyari sa Chang LTAT Juniors Championship sa Thailand dalawang linggo na ang nakakaraan.

Si Patrombon kasama ni coach Manny Tecson ay bumalik na kahapon sa bansa para mapaghandaan naman ang paglahok sa 22nd Mitsubishi Lancer International Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center .

Ngayon bubuksan ang labanan at si Patrombon ang top seed uli sa torneo.

vuukle comment

ANDREW WHITTINGTON

JESON PATROMBON

JUNIORS CHAMPIONSHIP

MANNY TECSON

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL TENNIS CHAMPIONSHIPS

PATROMBON

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SARAWAK CHIEF OF MINISTER

SI PATROMBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with