MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Cambodia na tumayo bilang punong abala sa South East Asian Games.
Napagkasunduan ng mga kasaping bansa na ibigay sa Cambodia ang 2019 hosting ng SEAG upang lahat ng founding members ng SEAG ay nakapagdaos na ng nasabing kompetisyon.
Sa idinaos na SEA Games Federation meeting sa Bali, Indonesia noong nakaraang buwan pinag-usapan at sinang-ayunan ang plano at magkakaroon ng sapat na panahon ang Cambodia para matiyak ang matagumpay na hosting na ito.
Ang Cambodia ay kasama ng Thailand, Malaysia, Vietnam, Myanmar at Pilipinas na mga founding members ng SEA Games na itinatag noong 1959 at unang nakilala bilang Southeast Asian Peninsular Games.
Ang Thailand nga ang may pinakamaraming bilang ng hosting na anim habang ang Malaysia ay may lima, ang Manila ay nakatatlo, ang Myanmar ay nakadalawa at ang Laos at Vietnam tig-isa.
Ang Myanmar na tumayong host sa ikalawang edisyon noong 1961 ay magho-host sa ikalawang pagkakataon sa 2013.