DPS Swimming Intramurals sa Marso 26

MANILA, Philippines - Idaraos ng Diliman Preparatory School (DPS) ang 2011 Swimming Intramurals sa Marso 26 sa Diliman Prep-SPSA Swimming Complex sa kampus nito sa Commonwealth Avenue, Diliman, Lunsod Quezon.

Maglalaban ang mga manlalangoy mula sa ele­mentary at hayskul sa pitong events. Ang mga ito ay ang 25-metrong Butterfly, Backstroke, Breaststroke at Freestyle at ang 100-metrong Medley Race para sa indibidwal na kompetisyon, at ang 4x25-metrong Freestyle Relay at 4x25-metrong Medley Relay para naman sa team compe­titions.

Ang kompetisyon ay para sa mga batang may edad 8-anyos pababa, 9-anyos hanggang 12 ta­ong gulang, 13 hanggang 14 taong gulang, at 15 hanggang 17 taong gulang para sa lalaki at babae.

Hahatiin ang mga sasali sa mga koponan na may tig-isang guro ng PE bilang coach.

May gold, silver at bron­ze na medalyang naghihintay para sa Top 3. May mga tropeo ding ibibigay para sa Most Outstanding Swimmer sa bawat kategorya.

Show comments