^

PSN Palaro

Gold uli kay Mangrobang sa Open Water Swim naman

- Ni Angeline Tan -

CANDELARIA, Zambales, Philippines - Namuro ang 19-anyos na si Kim Marion Mangro­bang bilang posibleng pinakamahusay na manlalaro sa ginaganap na Zamba Mul­tisports Festival nang kunin ang kam­­peonato sa Open Water Swim na gi­na­nap mula Dawal Beach patungong Potipot Island at pabalik sa pinagsimulan ng karera.

Isang kasapi ng national triathlon team at nanalo sa Asian Beach Games test race sa Oman, Jordan noong nakaraang taon, inilabas ni Mangrobang ang hu­say sa paglangoy nang kunin niya ang 2-kilometrong karera sa bilis na 38 minuto at 33 segundo at tumapos pa na pang-apat sa pangkalahatan.

“Malakas ang alon sa kanang bahagi at ito lamang ang nagpahirap sa akin pero na-manage ko ito,” wika ni Mangrobang na naunang dinomina ang duathlon event nitong Sabado ng umaga.

Maaari niyang makuha ang ikatlong ta­gumpay sa tatlong araw na kompetis­yon na inorganisa ni Gov. Hermogenes Eb­dane Jr. katuwang ang provincial ad­ministrator at chairman ng palaro Jun Omar Ebdane sa paglahok sa Black Sand Triathlon.

Wala namang nakasabay sa husay ng Ca­nadian triathlete na nais maging Pinoy na si Matt O’Halloran nang maorasan la­mang ito ng 32 minuto at 50 segundo.

Napag-iwanan nga siya ni Cagayan de Oro triathlete Philip Jurolan sa unang 400 metro ng karera pero hindi naman naging problema ito dahil tumulin si O’Halloran habang unti-unti namang naubos si Jurolan na tumapos sa ikalawang puwesto sa 34:45 tiyempo.

Pumangatlo sa karera si Jeff Laguito sa 36:25 oras.

Suportado rin ng Chris Sports, nagpasikat din ang mga koponan mula Manila sa Black Sand Ultimate Frisbee Cham­pion­ship laban sa dalawang koponan mula Subic.

Ang Sunken Pleasure ng UP ay nanaig sa Space Cakes, 13-4 para sa elite title habang ang Team Flying Pancakes ay na­naig sa Disc Bandits ng Subic, 13-12, sa novice class.

vuukle comment

ANG SUNKEN PLEASURE

ASIAN BEACH GAMES

BLACK SAND TRIATHLON

BLACK SAND ULTIMATE FRISBEE CHAM

CHRIS SPORTS

DAWAL BEACH

DISC BANDITS

HALLORAN

HERMOGENES EB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with