^

PSN Palaro

Papa Sarreal Milestone award igagawad kay Padilla

-

MANILA, Philippines - Si dating international re­feree Carlos “Sonny” Pa­dilla, namahala sa ilang world championship bouts, kasama na rito ang “Thrilla in Manila” noong 1975, ang tatanggap ng Lope “Papa” Sarreal Milestone Award para sa kanyang kontribus­yon bilang third man sa 11th Gabriel “Flash” Elorde Memorial Boxing Awards and Banquet of Champions sa Marso 25 sa Grand Ballroom ng Sofitel Philippine Plaza Hotel.

Si Padilla, ama ni si­nger-actress Zsa Zsa at lo­lo ni rising star Karylle, ang nangasiwa sa mga championship fights nina Sugar Ray Leonard, Roberto Duran, Marvin Hagler, Alexis Arguello, Salvador Sanchez, Mike Tyson, Evan­der Holyfield, Larry Holmes, Michael Spinks, George Foreman, Ken Norton, Tommy Hearns, Wilfred Benitez, Julio Cesar Chavez, Hector Camacho at iba pang world champions.

Ang huling laban na hinawakan ni Padilla ay ang 10th-round stoppage ni Manny Pacquiao kay Ne­­dal Hussein ng Australia sa Antipolo noong 2000.

Ang 75-anyos na si Padilla ang magiging kauna-unahang tatanggap ng Lope “Papa” Sarreal Milestone Achievement Award.

Ang awards rites, idina­daos bilang paggunita kay Flash Elorde sa kanyang pagdiriwang ng ika-76th birth anniversary, ay magpa­parangal rin kay Pacquiao bilang “Quintessential Athlete”.

Bibigyan rin ng para­ngal sina Nonito Donaire, Donnie Nietes at Ana Julaton bilang Boxers of the Year ng 2010.

ALEXIS ARGUELLO

ANA JULATON

BOXERS OF THE YEAR

DONNIE NIETES

ELORDE MEMORIAL BOXING AWARDS AND BANQUET OF CHAMPIONS

FLASH ELORDE

GEORGE FOREMAN

GRAND BALLROOM

HECTOR CAMACHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with