^

PSN Palaro

Pinoy wrestlers Palaban sa Seag Gold

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Kumbinsido ang coa­ches ng wrestlers na kikinang uli ang gagawing ka­mpanya sa 26th Southeast Asian Games dahil na rin sa tinatamong suporta ngayon sa PSC.

Ang wrestling team ay pinagkaitan ng tulong pi­nan­syal sa nagdaang PSC administrasyon pero hindi naging balakid ito dahil nanalo sila ng tatlong ginto sa Laos dalawang taon na ang nakalipas.

Sina Margarito at Jimmy Angana at Jason Balabal ang kumuha ng tatlong gin­to upang magkaroon ng mabungang kampanya ang koponan sa nasabing kompetisyon.

“Ngayon ay naibalik na ang dating wrestlers na nawalan ng allowances habang in the process naman ang ibang nasa pool,” wika ni coach Carlomagno Canta na nakasama ni coach Violeto Agustin at wrestlers Margarito at Robers­ton Torres ay dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Fau­ra kahapon.

Tanging problema nga­yon ng wrestling team ay ang detached service order mula sa iba’t ibang sangay ng AFP para tulu­yang makapagsanay na ang mga ilalaban sa Indonesia.

May 20 manlalaro ang bumubuo sa wrestling team ngayon na magbaba­ka-sakaling manalo sa In­donesia na kung saan 21 ginto ang nakataya sa kompetisyon.   

Tig-walong ginto ang paglalabanan sa kalalakihan sa Greco Roman at Freestyle habang lima naman ang nakataya sa freestyle sa kababaihan.

“Tinitingnan namin na makapagpadala ng 11 manlalaro sa Indonesia at lahat ng mga ipadadala ay kayang manalo ng 11 ginto. But realistically speaking kaya naming kumuha ng pitong ginto,” wika pa ni Agustin.                      

Ang tatlong gold meda­list ang pangunahing sinasandalan sa Indonesia bukod pa sa bagitong si Torres na lalaban sa heavyweight. May laban din ang alinman kina assistant coach Melchor Tumasis o Rexel Jandog habang ang dalawang lady wrestlers na sina Maribel Jambora at Cristina Vergara ay hindi padadaig sa kanilang dibisyon.

Si Jambora ay bron­ze medalist sa Laos sa 45 kilogram class.

Sa ngayon ay puspusan ang pagsasanay ng national pool mula alas-6 hanggang alas-8 ng umaga at kung mapapahintulutan ay balak nilang magsanay uli sa Mongolia o Bulgaria at lumahok sa Asian Wrest­ling Championships sa Uzbekistan sa Mayo bi­lang parte ng international exposures.

ASIAN WREST

CARLOMAGNO CANTA

CRISTINA VERGARA

GRECO ROMAN

JASON BALABAL

JIMMY ANGANA

MARIBEL JAMBORA

MELCHOR TUMASIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with