^

PSN Palaro

3 Fil-Ams hinugot ng Azkals, lalaro sa AFC Challenge Cup

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Tatlo pang Fil-Foreign players ang hinugot upang mapalakas ang tsansa ng Pilipinas sa AFC Challenge Cup group elimination sa Myanmar.

Sina Fil-German John Patrick Hinrichsen at William Espinosa at Fil-Spanish Angel Aldeguer Guirado ang mga makakasama ng Azkals sa paglipad patungong Myanmar sa Sabado upang kumampanya sa puwesto sa tournament proper.

Bukod sa Myanmar, kalaban rin ng Azkals ang Palestine at Bangladesh sa torneong magbubukas sa Marsos 21 at ang mangungunang dalawang koponan ang aabante sa 2012 Challenge Cup.

Si Rob Gier na naglaro sa Panaad sa Bacolod nang nanalo ang Azkals sa Mongolia ay babalik din katulad ni goalie Neil Etheridge.

Sina Hinrichsen at Espinosa ay nasa Bacolod din pero hindi sila naglaro sa koponan.

Dahil sa pagpasok ng limang manlalaro ay napilitan naman ang Azkals na magbawas ng limang homegrown talents na sina Christopher John Relucio, Jaime Palmes, Joebel Bermejo, Peter Jaugan at Jerry Barbaso.

AZKALS

BACOLOD

CHALLENGE CUP

CHRISTOPHER JOHN RELUCIO

FIL-SPANISH ANGEL ALDEGUER GUIRADO

JAIME PALMES

JERRY BARBASO

JOEBEL BERMEJO

MYANMAR

NEIL ETHERIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with