^

PSN Palaro

RnW Pacific Pipes 'di basta-basta matitibag ng mga kalaban sa D-League

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi makukuntento ang RnW Pacific Pipes sa pagiging kauna-unahang koponan na nanalo sa PBA D-League Foundation Cup.

Sinandalan ang pagkabeterano nina Vic Manuel at Jim Viray, kinalos ng Pacific Pipes ang PC Gilmore, 76-72, sa unang laro ng liga na hawak ng Philippine Basketball Association.

Aminado si coach Chris­topher “Topex” Robinson na hindi niya inakala na magagawa ito ng kanyang koponan dahil sa tatlong tune-up games sa Cebua­na Lhuillier, Max Bond Super Glue at Powerade bago ang pagbubukas ng liga ay natalo sila sa average ng 20 puntos.

“It was a good win, a good morale booster for the players. It’s a motivation for us to work harder since people now look up to Pacific Pipes as a contender,” wika ni Robinson nang nakaharap ang mga mamamahayag nang pormal na ipinakilala ang Pacific Pipes kamakalawa sa Gerry’s Grill sa SM Manila.

Kasama sa humarap ay ang team owner na si Jun Sy at Bimbo Gaviola na marketing manager ng Pacific Pipes na hindi rin naitago ang kasiyahan sa nangyari sa unang laro ng koponan.

Unang pagkakataon na nagtayo ng basketball team na inilaban sa ligang ganito ang antas ng koponan ni Sy kaya’t aminado din ito na hindi niya inakala na malaki ang gastusing kakailanganin ng koponan.

Pero hindi naman niya iniinda ang bagay na ito da­hil ang mabigyan ng pag­kakataong tumulong sa mga batang nais na gumawa ng pangalan sa isang liga ay sapat na para sa ipinuhunang gastos.

“Maganda ring avenue ang D-League para ipa­kilala ang aming produkto. Balak din naming masama sa PBA pero habang naghihintay ng pagkakataon ay magandang exposure naman sa amin ang ligang ito,” wika ni Sy.

 “We will always treasure this victory because this is a first for our company and this is the first for D League as well,” segunda naman ni Gaviola.

Pinalakas pa ang kopo­nan pagpasok sa ikalawang laro laban sa Black Water Elite sa Marso 24 dahil sa pagpasok ng 6’4 center Alain Musngi at guard Re­xan­der Leynes para pala­limin ang kanilang bench at mapagtagumpayan ang inaasinta munang puwesto sa knockout round.

“Challenge na ito sa mga players na kung gusto nilang makalaro sa PBA ay kaila­ngang ipakita nila na hindi sila pipitsugin sa D-League. Kailangang kata­wanin na­min ang magandang re­putasyon ng kumpanya sa pamamagitan ng todo-bigay na paglalaro sa bawat game namin,” dagdag pa ni Robinson.

Anuman ang kahihinatnan ng kampanya sa liga, isa lamang tiyak, na gaya ng bakal na tubo na kani­lang inilalahok ay hindi sla basta-basta matitibag ng mga makakalaban.

vuukle comment

ALAIN MUSNGI

BIMBO GAVIOLA

BLACK WATER ELITE

D LEAGUE

D-LEAGUE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JIM VIRAY

PACIFIC PIPES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with