^

PSN Palaro

Para matapos na ang gulo sa cycling, Juico pumirma na sa MOA

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Isang hakbang upang maayos kahit paano ay maayos na ang problema sa cycling sa bansa ang naisagawa nang lagdaan ni Dr. Philip Ella Juico ang iniaalok na Memorandum of Agreement ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ang MOA ay nagbibi­gay ng karapatan sa POC at Philippine Sports Commission (PSC) na hawakan ang pambansang siklista sa kanilang paghahanda at paglahok sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Maliban kay Juico na pa­ngulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP) ay nakatakdang pumirma rin sa MOA si Tagaytay City Mayor at PhilCycling head Abraham “Bambol” Tolentino.

Kailangang kumilos ang POC at PSC sa problema dahil malaki ang posibilidad na hindi uli makasali ang Pilipinas sa cycling sa Indo­nesia SEA Games dahil sa dalawang grupo na nagtatagisan para sa liderato ng cycling sa bansa.

Ang pagsang-ayon ni Juico aniya ay dahil nais ni­yang maresolbahan na ang problema at hindi ang palawigin ito.

“As I’ve been saying all along, I want to be part of the solution and not add to the problem,” wika ni Jui­co.

Sa napagkasunduan, ang kampo ni Juico at To­lentino ay mag-uusap upang malaman ng magkabilang panig ang mga siklistang nais nilang masama sa pool na sasanayin at susuportahan ng PSC sa pagsang-ayon ng POC.

Dahil sa problema ay itinigil ng PSC ang tulong pinansyal sa Pambansang siklista para makaisip ang dalawang grupo na ayusin na ang problema.

“Ayaw namin na maulit ang nangyari sa Laos sa cycling kaya’t handa akong makipagkasundo sa isang sistema na magtitiyak ng paglahok ng pambansang siklista sa Indonesia,” dagdag pa ni Juico.

Sa panig ni Tolentino ay tiniyak naman niya na bibigyan niya ng UCI license ang mga siklistang mapipili sa pool para matiyak ang paglahok nila sa SEAG.        

Ang ICFP ang kinikilala ng POC bilang grupo sa cycling habang si Tolentino naman ang may basbas ng international body UCI at siyang nakakapagbigay ng mahalagang lisensya para makasali ang siklista sa ma­la­laking kompetisyon.

AS I

DR. PHILIP ELLA JUICO

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

JUICO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SHY

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with