Binabati natin ng ika-25th anibersaryo ang pamunuan, empleyado, editors at reporters ng PSNgayon.
Higit sa lahat binabati rin natin ang mga mambasa ng ating diyaryo ng Happy anniversary.
Ipinapangako namin ang isa pang 25-taon ng pagbibigay ng tapat at makabuluhang impormasyon sa ating mambasa.
* * *
Natalo man panalo pa rin ang Azkals kamakalawa.
Napanatili ng Philippine Azkals ang kanilang depensa at composure kontra sa rumaragasang Mongolian.
Tinapos nila ang home-and away-series sa itaas sa aggregate score na 3-2.
At kahit na talo ang Azkals umabante pa rin ang koponan sa AFC Challenge. Tinupad ni right winger James Younghusband ang pangako na gagawin ang lahat para ipanalo ang laban. Si James ang nagbigay ng pivotal goal para sa Pilipino.
Kahit pa nakabalik ang Mongolians sa 21-minute mark, at naitala ang isa pang iskor sa penalty kick makaraan ang ilang minute, napigilan pa rin ng Azkals sa huling minute ang Blue Wolves sa 2-1.
Makakabawi sana ang opensa ng Azkals na medyo nilalamig pa rin yata sa bansang nababalutan ng yelo.
Halatang disorganisado ang opensa ng Azkals, katunayan may pagkakataon sana ang Pilipinas na maka-open goal pero ito ay nag-over bar. At nang inaakala ng lahat na makakabawi na ang Pilipinas sa free kick ni Ale Borromero, over bar pa rin ito.
At kahit pa nanalo ang Mongolians, hindi ito sapat upang patalsikin ang Azkals. Sa laban ng Azkals sa opener ng AFC Challenge Qualifier sa Panaad Stadium sa Bacolod noong Peb. 9, nanalo ang Filipino soccer player sa 2-0 iskor.
Aalis ngayon ang Azkals para sa laban sa Myanmar sa March 19 para sa series ng matches. Unang haharapin nila ang Myanmar, sunod ang Palestine at Bangladesh.
Sana ay makabawi na ang opensa ng Azkals sa kanilang opensa. At matagpuan sana nila ang kanilang tamang depensa sa kanilang susunod na laban.
Pero ganunman, pinatunayan ng mga ito na mas mabuti ang nakakapag-impok ng panalo.