^

PSN Palaro

Nietes pararangalan sa Gabriel 'Flash' Elorde Memorial Boxing Awards and Banquet of Champions

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Pararangalan si Donnie Nietes, ang undefeated cham­pion ng WBO minimumweight division sapul noong 2007, sa 11th Gabriel “Flash” Elorde Memorial Boxing Awards and Banquet of Champions sa Marso 25 sa Grand Ballroom ng Sofitel Hotel.

Napanatili ng 29-anyos na si Nietes ang kanyang korona mula sa isang una­nimous decision win laban kay Mexican challenger Mario Rodriguez noong Agosto 14, 2010 sa Sinalosa, Mexico.

Isa si Nietes sa mga top boxers ng bansa noong 2010 na bibigyan ng para­ngal sa naturang annual awards na ginugunita para kay world junior lightweight champion at Hall of Famer Flash Elorde, nagkampeon noong 1960 hanggang 19­67.

Ito ang pang apat na su­nod na title defense ni Nietes, tinawag na “Ahas”, na kumuha sa WBO minimumweight belt via unanimous decision mula kay undefeated Pornsawarn Kratingdaengym ng Thailand noong Setyembre 20, 2007 sa Waterfront-Cebu Hotel.

Ang kanyang unang depensa ay isang TKO win kay Eddy Castro sa 2:49 ng second round noong Agosto 30, 2008.

Isang unanimous deci­sion kay Erik Ramirez no­ong Pebrero ng 2009 ang isinunod ni Nietes at muling isinuot ang kanyang korona noong Setyembre 12 laban kay interim champion Manuel Vargas via split de­cision.

Makakasama ni Nie­tes sina boxing legend Man­ny Pacquiao, World Bo­xing Organization super bantam­weight title holder Ana Julaton at dating su­per­flyweight champion Nonito Donaire sa pagtanggap ng karangalan.

Si Pacquiao, iniluklok na sa Elorde Hall of Fame noong 2009 para sa kanyang pang pitong boxing titles, ay tatanggap ng isang special award para sa kanyang pang walong boxing belt noong 2010.

AGOSTO

ANA JULATON

DONNIE NIETES

EDDY CASTRO

ELORDE HALL OF FAME

ELORDE MEMORIAL BOXING AWARDS AND BANQUET OF CHAMPIONS

ERIK RAMIREZ

GRAND BALLROOM

NIETES

NOONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with