^

PSN Palaro

Cultivators sumalo sa liderato sa Group B

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kumamada ang mga subok nang manlalaro ng FCA Cultivators para sa madaling 89-74 panalo sa Powerade sa pagpa­patuloy ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa FEU Gym.

Hindi napigil ang sentrong si Alfredo Gerilla sa ilalim ng mas batang katunggali tungo sa 17 puntos habang ang dating batikang pointguard ng UE na si Raffy Reyes ay naghatid ng 15 puntos at 5 assists.

Ang power forward na dating manlalaro rin ng UST na si June Dizon ay nagdagdag pa ng 12 puntos habang ang nalalabing pitong manlalaro na ginamit sa laro ay naghatid ng dalawang puntos para sa Cultivators na nagdomina mula sa simula hanggang sa matapos ang labanan.

Mula sa 23-15 kalama­ngan ay lumobo ang agwat sa 16 puntos, 46-30, dala ng malamyang depensa sa transition ng Junior Tigers.

“Hindi ko inasahan na ganito mauuwi ang laba­nan dahil alam kong palaban ang Powerade. Pero ma­ganda ang depensa namin na siyang nagpa­si­­mula sa aming running game kaya nakuha namin ang panalo,” wika ni coach Arsenio Dysangco.

Ang tagumpay ay nag­luklok sa Cultivators para makasalo sa liderato sa Group B kasama ng Cobra Energy Drink.

Nasayang naman ang tig-14 puntos nina Alvin Padilla at Mike Gamboa para sa Junior Tigers na nalaglag kasalo ang Maynila Water Dragons sa 0-1 karta sa nasabing grupo.

Sa ikalawang laro ay pinangawatanan naman ng NLEX Road Warriors ang pagiging isa sa malakas na koponan sa pamamagitan ng 82-71 panalo sa Freego Jeans.

Si Calvin Abueva ay nagkalat ng 18 puntos at 14 rebounds, si Rogemar Menor ay mayroong 16 at 6’6 Fil-Am Clifford Hodge ay nag-ambag ng 11 puntos para sa Road Warriors na nagpasabog ng 29 puntos sa second period upang ang 12-13 iskor sa first period ay naging 41-27 sa halftime. .

FCA 89--Gerilla 17, Reyes 15, Dizon 12, Co 9, Bulawan 8, Husted 8, Pascual 6, Mallari 6, Cole 4, Canlas 4.

Powerade 74--Padilla 4, Gamoboa 14, Juruena 11, Ilad 7, Gomez 6, Jeffries 5, Gingerich 5, Sison 4, Martinez 4, Maniego 2, Smith 2.

Quarterscores: 23-15; 46-30; 71-49; 89-14.

vuukle comment

ALFREDO GERILLA

ALVIN PADILLA

ARSENIO DYSANGCO

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FIL-AM CLIFFORD HODGE

JUNIOR TIGERS

POWERADE

PUNTOS

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with