Walang problema sa pasilidad sa Palaro

MANILA, Philippines - Matatapos sa tamang panahon ang mga ipinatatayong pasilidad na paggaga­mitan ng 2011 Palarong Pambansa sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.

Mismong ang dating Kongresista at siyang nangunguna sa organizing committee ng Palaro na si Romeo G. Jalosjos ang siya muling nagtiyak nito upang igarantiya na magiging maayos ang pagtayo ng lugar bilang punong-abala ng kompetis­yon para sa mga schooled athletes sa elementary at sekondarya.

Ayon kay Jalosjos, tiniyak ng mga contractors na kinuha para ayusin ang track oval at swimming pool bukod pa sa pagkumpuni ng multi-purpose gym at tennis courts na matatapos ang pagkumpuni dalawang linggo bago ang kompetisyong itinakda mula Mayo 8 hanggang 14.

Show comments