^

PSN Palaro

Hindi na madedehado?

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Nakabawi na ang B-Meg Derby Ace sa isa na na­mang masagwang simula at mukhang nagiging ma­aliwalas ang papawirin para sa Llamados sa PBA Commissioner’s Cup.

Gaya ng nakaraang Philippine Cup, nadapa na na­man ang Llamados sa umpisa ng Commissioner’s Cup ang makalasap sila ng kabiguan buhat sa Rain or Shine at Powerade. Pero napigilan kaagad ni coach George Gallent ang pagsadsad ng kanyang team nang igiya niya ang Llamados sa 121-82 tagumpay kontra Air21. At pagkatapos ay dinaig nila ang Barangay Ginebra, 96-89 noong Linggo.

Sa totoo lang, mas maganda ang simula ng B-Meg Derby Ace ngayon kaysa noong nakaraang conference kung saan natalo muna sila ng tatlong games bago nag­simulang magwagi.

Ang maganda nito’y nagawa ng Llamados na ma­nalo sa huling dalawang laro kahit pa nadagdagan ang mga manlalaro nilang nasa injured list. Hindi naka­paglaro sina Don Carlos Allado at Rookie of the Year awardee Rico Maierhofer na kapwa nagtamo ng in­juries. E, hindi pa nga nakakasama ng Llamados sina Rafi Reavis at Kerby Raymundo.

So, bagamat kapos sa players ang Llamados, aba’y na­kabangon kaagad sila.

At bukas ay may pagkakataon pa silang makatabla sa kumpletong Alaska Milk na may 3-1 record. Mag­haha­rap ang Aces at Llamados sa 4 pm opening game sa Araneta Coliseum.

May magandang balita nga, e.

Bukas ay baka makapaglaro na si Raymundo na matagal-tagal na rin namang na-miss ng B-Meg Derby Ace. Huli itong naglaro sa semifinals ng Fiesta Confe­rence. Pagkatapos ay nagpaopera na ito at sumailalim sa napakahabang rehabilitation process sa Amerika.

Bumalik si Raymundo buhat sa Estados Unidos noong Linggo at naupo sa likod ng bench ng Llamados upang panoorin ang game kontra sa Gin Kings kung saan sumingasing nang husto ang kanyang partner na si James Yap na gumawa ng 25 puntos, sampung rebounds, tatlong assists, isang steal at isang blocked shot at naparangalan ng PBA Press Corps bilang Player of the Week.

Kapag muling nagkasama sina Yap at Raymundo, sasakit na naman ang ulo ng mga makakalaban ng B-Meg Derby Ace. Kasi nga’y hindi na magiging predic­table ang Llamados. Hindi lang si Yap ang pagtutuunan ng depensa kundi pati na rin si Raymundo.

Iyon ang kahalagahan ni Kerby. At kahit na si Yap ay nagsasabing hindi siya mahihirapan kapag nandiyan ang kanyang partner. Ang tambalang ito ang nagbigay sa B-Meg Derby Ace (dating Purefoods Tender Juicy Giants) ng kampeonato sa 2009 Philippine Cup.

Bukod kina Yap at Raymundo, unti-unti na ring ipi­namamalas ng import na si Shamari Spears ang kanyang kahusayan. Late na kasing dumating si Spears bilang kapalit ng original import na si Rob Brown na naglaro sa kanilang unang game kontra Elasto Pain-ters. Pero pumapanhik na ang mga numero nito at sa tatlong games ay nag-average siya ng 17 puntos, 3.67 rebounds, 1.33 assists, 1.67 steals, 0.67 blocked shot at 2.67 errors sa 29.67 minuto. Umaasa si Gallent na magi-improve pa ito.

Siyempre, umaasa din si Gallent na makakabalik sa active duty ang mga injured players niya at makukum­pleto ang Llamados bago matapos ang elims. Kapag nagkaganon, hindi na sila madedehado!

ALASKA MILK

ARANETA COLISEUM

B-MEG DERBY

B-MEG DERBY ACE

BARANGAY GINEBRA

LLAMADOS

PHILIPPINE CUP

RAYMUNDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with