PSC lumagda ng MOU sa Indonesian Sports Ministry
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagbisita ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Indonesia, isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Indonesian Sports Ministry.
Ito ang ibinalita kahapon ni PSC chairman Richie Garcia sa kanyang pagsama sa naturang biyahe ng Presidente Aquino.
“It’s the cooperation between two governments with regards to mga sports technology, medical, anti-doping, sharing of coaching expertise,” wika ni Garcia.
Bilang kapalit, hiningi naman ng Indonesia, mamamahala sa darating na 26th Southeast Asian Games sa Nobyembre 11, ang tulong ng PSC sa boxing kung saan kilala nila si Manny Pacquiao.
“Nakita nila na talagang mayroon tayong world champion Manny Pacquiao,” ani Garcia.
Bukod sa Indonesia, umaasa si Garcia na makakakuha rin ng tulong at suporta ang PSC mula sa Russia, China, Cuba at Australia.
- Latest
- Trending