^

PSN Palaro

SMBeer, Air21 ipaparada ang bagong import

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Habang asam ng Smart-Gilas Pilipinas ang kanilang pangatlong sunod na panalo, ipaparada naman ng San Miguel at Air21 ang kanilang mga bagong import.

Si David Young ang iba­bandera ng Beermen bilang kapalit ni Ira Brown sa kanilang pakikipagharap sa Alaska Aces ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Nationals at Air21 Express sa alas-5 ng hapon sa elimination round ng 2011 PBA Com missioner’s Cup sa Cuneta Astodome sa Pasay City.

Hawak ng Rain or Shine ang liderato sa kanilang 3-0 kartada kasunod ang Smart-Gilas (2-0), Alaska (2-1), Talk ‘N Text (2-1), Derby Ace (2-2), San Miguel (1-1), Barangay Ginebra (1-2), Air21 (1-2), Powerade (1-3) at Meralco (0-3).

Si Young ay isang draf­tee ng Seattle Supersonics, ngayon ay Oklahoma City Thunder, noong 2004 NBA Draft ngunit pinakawalan rin kaya siya nagtungo sa Greece para maglaro sa koponan ng Trikala kung saan siya nagtala ng ave-rage na 20.5 points per game.

“We need an import that could create something,” ani coach Ato Agustin matapos ang 90-89 pagtakas ng Beermen sa Bolts mula sa buzzer-beating tip-in ni Brown noong Biyernes. ”

Isasalang rin ng San Mi­guel sina Jay Washington, Arwind Santos, Rabeh Al-Hussaini, Nonoy Baclao at Alex Cabagnot katapat sina LD Williams, LA Tenorio, Sonny Thoss, Cyrus Ba­guio at Joe Devance ng Alaska.

Nagmula ang Aces sa 89-91 overtime loss sa Na­tio­nals noong Marso 4.

Itatampok naman ng Express si Alpha Bangura, miyembro ng Libyan natio­nal team sa nakaraang FI­­BA Africa Championship, bilang kapalit ni Jere­my Robinson, umiskor ng 12 points sa 110-124 pagkatalo sa Tropang Tex­ters noong nakaraang Sabado.

Kung hangad ng Air21 na makabangon mula sa naturang kabiguan, target naman ng Smart-Gilas na makasalo sa liderato ang Rain or Shine.

Itatapat rin ng Smart-Gilas sina Chris Tiu, JV Casio, Japeth Aguilar, Chris Lutz at Aldrech Ramos laban kina Bangura, Wynne Arboleda, Danny Seigle, Dondon Hontiveros, Dorian Pena at Paul Artadi ng Air21.

Si Arboleda ay napatawan ng one-year ban nang atakehin ang isang fan ng Smart-Gilas sa laro ng Burger King, ngayon ay Air21, sa 2009 PBA Philippine Cup na pinagwagian ng Whoppers, 115-105, noong Oktubre. 

vuukle comment

AFRICA CHAMPIONSHIP

ALASKA ACES

ALDRECH RAMOS

ALEX CABAGNOT

ALPHA BANGURA

ARWIND SANTOS

ATO AGUSTIN

SAN MIGUEL

SHY

SMART-GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with