^

PSN Palaro

Ex-PBA commissioner Rudy Salud pumanaw na

-

MANILA, Philippines - Dahilan sa kumplikas­­yon sa kanyang kalusugan, pumanaw na kahapon ng umaga si dating Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Atty. Rodrigo “Rudy” Salud sa Medical City sa Pasig.

Ang 72-anyos na si Sa­lud, founding secretary general ng World Boxing Council (WBC), ay nagsilbi bilang PBA Commissioner simula noong 1988 hanggang 1992.

Naulila ng tubong San Juan, Batangas ang kanyang asawang si Josephi­ne, mga anak na sina Ange­lico (Chito, ang kasalukuyang PBA Commissioner), Renato, Priscilla, Arnold, Christine, Margaret at Annabel.

Nakalagak ang mga labi ni Salud sa Sta. Maria Della Strada Parish sa Katipunan Road, cor. Pansol st. sa Quezon City.

Ang libing ay nakatakda sa Huwebes.

Bukod sa basketball at boxing, nakilala rin si Salud sa larangan ng horse ra­cing kung saan siya nagsilbi bilang executive director ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa ilalim nina dating Makati Mayor Nemesio Yabut at Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco Jr..

Naging secretary gene­ral rin si Salud ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP).

Si Salud ang nagba­lang­­kas sa by-laws and constitution ng PBA bilang isang founding legal counsel ng professional league noong 1975.

Matapos ang 11 taon sa naturang posisyon, nailuklok si Salud bilang deputy Commissioner noong 1986 bago naging Commissioner noong 1988. 

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

AMBASSADOR EDUARDO

COJUANGCO JR.

COMMISSIONER ATTY

KATIPUNAN ROAD

MAKATI MAYOR NEMESIO YABUT

MARIA DELLA STRADA PARISH

MEDICAL CITY

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with