^

PSN Palaro

Francisco idedepensa ang titulo sa Thailand

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Haharap uli si WBA in­terim super flyweight cham­pion Drian Francisco sa isa pang Thai na karibal matapos maudlot ang hangad na pagbangga sa Mexican champion na si Hugo “El Terible” Cazarez.

Si Thepparith Wor Sing­wancha ang siyang ma­kakasagupa ni Francisco sa Mayo 1 sa Bangkok, Thai­land dahil gusto ng mga Thai boxing fans na masilayan uli ang husay ng boksingerong alaga ni Elmer Anuran ng Saved by the Bell Promotions.

Naunang plano ni Anu­ran na itapat si Francisco kay Cazarez na lehitimong kampeon ng dibisyon. Nagpasabi na ito ng kanyang kahandaan na magbigay ng $200,000 para sa bansa isagawa ang title fight pero hindi na ito mangyayari.

 “Nagpasabi ang promo­ter ni Cazarez na si Nacho Huizar na naaksidente sa motor ang champion at sa Hunyo 4 pa ito maaaring sumabak sa aksyon,” wika ni Anuran.

Masyado umanong matagal ito para kay Francisco at makakaapekto ito sa kanyang pangangata­wan kaya’t minabuti na la­mang ng Filipino camp na tanggapin ang alok ng Thai promoter Naris Singwancha.

May 20 panalo at isang tabla ang 28-anyos na si Francisco at hinangaan si­ya ng mga Thais nang pa­tulugin sa ika-10th round si Duangpetch Kokietgym para sa interim title na ginanap noong Nobyembre 30 sa Nong Khai, Thailand.

“May mga nagnanais na mapanood uli si Francisco sa Thailand kaya’t tinanggap na namin ang alok na ito at matapos ang labang ito ay haharapin na­min si Cazarez,” ani Anuran.

Si Singwancha ay may-­roong 14 panalo sa 16 laban pero kumakampanya ito sa flyweight division at hari sa PABA.

Lumaban nga ito nitong Pebrero 13 at nagtagum­pay ito sa pagdepensa sa titulo sa pamamagitan ng unanimous decision laban sa Filipino challenger Michael Rodriguez.

Kahit halos tatlong buwan pa ang nasabing laban ay nagsimula na ng paghahanda si Francisco at sumailalim na nga sa sparring sa pagsusuri ni trainer Benny dela Pena sa Touch Gloves Boxing Gym sa Agon­cillo, Batangas.

“Maaga siyang nagsimula sa paghahanda kaya alam kong nasa kondisyon siya kapag idinaos na ang laban,” tiwalang pahayag pa ni Anuran.

BELL PROMOTIONS

CAZAREZ

DRIAN FRANCISCO

DUANGPETCH KOKIETGYM

EL TERIBLE

ELMER ANURAN

FRANCISCO

MICHAEL RODRIGUEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with