^

PSN Palaro

SMBEER-AIR21 trade ok na

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Matapos baguhin ang kanilang trade proposal, tuluyan nang inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office ang one-on-one trade ng Air21 at San Miguel Beer kahapon.

Dinala ng Express sina 2010 overall top picks Nonoy Baclao, Rabeh Al-Hussaini at Rey Guevarra sa Beermen kapalit nina Danny Seigle, Dondon Hontiveros, Dorian Peña at Paul Artadi.

“We are putting premium on championship experien­ce that Danny Seigle, Dorian Peña, Dondon Hontiveros and Paul Artadi can give us,” sabi ni Air21 team owner Bert Lina sa kanyang official statement.

Kumpiyansa rin si Lina na may makukuha ulit silang mga bata at malalakas na players mula sa darating na 2011 PBA Rookie Draft.

Umaasa naman si San Miguel coach Ato Agustin na kaagad magagamay nina Baclao, Al-Hussaini at Guevarra ang kanilang sistema.

“Although this trade will not be a quick fix for the team, we believe that Rabeh Al Hussaini, Nonoy Baclao and RJ Guevarra will slowly but surely be molded into the San Miguel system,” sabi ni Agustin.

Samantala, mula sa ma­init na laro ni James Yap sa first half, tinapos ng Llamados ang kanilang dalawang sunod na kamalasan.

Humugot ang two-time PBA Most Valuable Player ng 18 sa kanyang 22 points sa first half upang igiya ang Derby Ace sa malaking 121-92 paglampaso sa Express sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nanggaling ang Llamados sa 94-95 kabiguan sa Rain or Shine Elasto Painters noong Pebrero 23 at sa 96-103 pagyukod sa Powerade Tigers noong Pebrero 26, habang nanalo naman ang Express sa 92-87 paggitla sa SMBeer noong Pebrero 25.

Nagdagdag si KG Ca­naleta ng 28 markers para sa 1-2 rekord ng Derby Ace sa ilalim ng Rain or Shi­ne (2-0), Alaska (2-0), Smart Gilas (1-0), Air21 (1-1), Barangay Ginebra (1-1) at Powerade (1-1) ka­sunod ang Talk ‘N Text (0-1), San Miguel (0-1) at Me­ralco (0-2).

Sa kabila ng 4-for-6 shooting sa freethrow line kumpara sa 15-of-25 ng Express ni Bong Ramos, nakuha pa rin ng Llamados ni Jorge Gallent ang isang 22-point lead, 64-42, sa halftime.

Ito ay mula na rin sa pagtutulungan nina James Yap, Nino Canaleta, PJ Simon at Jonas Villanueva.

Ang dalawang sunod na basket ni James Yap ang nagbigay sa Derby Ace ng isang 26-point advantage, 68-42, sa pagsisimula ng third period bago nag-init si Canaleta sa isinalpak niyang apat na three-point shots na nagbaon sa Air21 sa 94-55 sa 3:11 nito.

Tuluyan nang inalisan ng Llamados ng tsansa ang Express nang ikonekta ni Simon ang isang jumper para sa kanilang 41-point spread,103-62, sa 11:49 ng final canto.

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

DANNY SEIGLE

DERBY ACE

DORIAN PE

JAMES YAP

LLAMADOS

NONOY BACLAO

PEBRERO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with