Donaire ikakasa ni Arum kay Moreno sa Mayo 28
MANILA, Philippines - Hindi magtatagal ang pahinga ni Nonito Donaire Jr. matapos niyang agawin ang WBC at WBO bantam-weight title na dating hawak ni Mexican boxer Fernando Montiel.
Ayon sa promoter nito na si Bob Arum ng Top Rank, plano na nilang isalang sa aksyon si Donaire sa Mayo 28 o 14 araw matapos lumaban ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao laban kay Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Isang unification fight ang balak isalang para kay Donaire at ang makakalaban nito ay si WBA champion Anselmo Moreno.
“I’m ready to fight anybody,” wika ni Donaire matapos niyang manalo kay Montiel.
Ang laban ay gagawin sa Oakland, California na kung saan marami ring Pinoy ang nakatira at tiyak na susuporta sa kanya.
Sinelyuhan ni Donaire ang pagiging pinakamahusay na bantamweight boxer nang kanyang patulugin sa loob lamang ng dalawang round si Montiel gamit ang kaliwang hook.
“It’s more of an instinct. I saw his (Montiel) punch coming and pulled back and throw the left hook and landed perfectly. I dropped guys with the same punch when they throw a right. I done it with (Vic) Darchinyan, (Raul) Martinez and (Volodymyr) Sydorenko,” paliwanag nito sa pinakawalang suntok.
Masaya rin ang manager nitong si Cameron Dunkin sa panalo ni Donaire dahil nakuha ng ‘Filipino Flush’ ang panalo kahit maraming problema itong kinakaharap sa kanyang pamilya hinggil sa usapin sa pera.
“I feel terrific and excited for Nonito,” wika ni Dunkin. “I know he is in tremendous shape but I was concern with him mentally. With the stress and focus on the fight because of his family problem.”
Si Moreno ay kampeon ng dibisyon mula pa noong 2008 nang talunin si Sydorenko sa pamamagitan ng unanimous decision.
May 30 panalo sa 32 laban ito kasama ang 10KOs at may 24 fight steak.
“I want to fight the best and prove myself more and get better. I believe fighting the best out there, it motivates me to train harder. It brings out the best in me,” pahayag pa nito.
Hindi pa selyado ang laban nila ni Moreno pero kung mangyayari nga ito ay ipagkakatiwala ng Team Donaire ang pagsusuri sa champion sa kamay ng mahusay na trainer na si Robert Garcia.
- Latest
- Trending