^

PSN Palaro

Pagtuklas sa bagong talento paiigtingin ng PASA

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Paiigtingin ng Philippine Aquatics Swimming Association (PASA) ang pagtuklas ng mga bagong mukha para sa Pambansang koponan.

Sa pakikipagtulungan sa Siyudad ng Makati ay magdaraos ng tryouts ang PASA sa mga manlalangoy mula edad 11 hanggang 18 sa isasagawang National Youth Swim Team selection of NYTEST.

Ang kaganapan na isasabay sa pagdiriwang ng Caracol Fiesta sa Makati City ay itinakda mula Pebrero 25 hanggang 27 at gagawin ito sa Makati Aquatic Center.

Makulay ang pagbubukas dahil ito ay nasasabay sa paggunita ng Edsa I anniversary na kung saan isinese­lebra ang ika-25th taon ng People Power.

“We find the opening day auspicious because it’s the same day that we celebrate 25 years since EDSA I,” wika ni Joseph.

Higit dito, ang masilayan ang mga batang manlala­ngoy edad 11 hanggang 18 ang isa sa nakakapanabik ani ni Joseph dahil sa hanay na ito lalabas ang mga papalit sa kasalukuyang pambatong swimmers ng bansa.

Ang mga lalabas na mahuhusay na manlalangoy sa tatlong kompetisyong ito ay posible ring masama naman sa 26th SEA Games sa Indonesia sa Nobyembre 11.

Inaasahang maraming bagong mukha ang masasama sa swimming delegation sa SEAG matapos ang pag­reretiro na ni 2007 Best Male Athlete Miguel Molina at ang posibilidad na di na paglangoy ng magkapatid na sina Robert at James Walsh na abala na sa kanilang pag-aaral.

BEST MALE ATHLETE MIGUEL MOLINA

CARACOL FIESTA

EDSA I

HIGIT

JAMES WALSH

MAKATI AQUATIC CENTER

MAKATI CITY

NATIONAL YOUTH SWIM TEAM

PEOPLE POWER

PHILIPPINE AQUATICS SWIMMING ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with