Freego, Blackwater may tryout para sa D-League

MANILA, Philippines - Magdaraos ang Freego-Adamson at Blackwater ng Ever Bilena ng magkahi­walay na tryouts para pa­­lakasin ang kanilang ko­ponan sa nalalapit na Developmental League ng PBA na magsisimula sa Marso 15 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pangangsiwaan ni coach Leo Austria at ng kan­yang assistant na si Joel Yap ang Freego sa dalawang araw na tryout simula sa Biyernes sa Adamson University gym mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tang­hali.

Magpapatuloy naman ang tryout ngayong araw ng Blackwater na pag-aari ni Dioceldo Sy at suportado ng Arellano University mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Arellano gym na tatagal ng hanggang Sabado.

Show comments