^

PSN Palaro

Pinas ipaglalaban ang billiards at Women's Football sa 26th SEAG

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipaglalaban ng Pilipinas ang mga sports na kung saan palaban ang Pambansang manlalaro sa gaganaping 26th Southeast Asian Games sa Indo­nesia.

Pangungunahan ni PSC commissioner at Chief of Mission Chito Loyzaga ang Pambansang delegas­yon na tutulak sa Bali, Indo­nesia para dumalo sa Southeast Asian Games Federation Mee­ting sa Pebrero 26.

Makakasama sa dele­gasyon na aalis sa Huwebes ay sina POC chairman Monico Puentevella, vice president Manny Lopez, sec-gen Steve Hontiveros at treasurer Julian Camacho.

Sinasabing balak ng host country na alisin ang billiards and snooker bukod pa sa women’s football sa talaan upang ipasok ang mga sports na gusto nila na bridge, paragliding, roller-saking, wall climbing at vovinam.

Sa mga sports discipli­ne na ito, tanging ang vovinam, na Vietnamese martial arts sport, ang nilalaro na sa SEAG habang ang iba ay ipinapasok ng host country.

“Gagawin natin ang ating makakaya para hindi maalis ang mga events na ito na nauna nang isinama,” wika ni Loyzaga.

Ang Pilipinas ay nanalo ng tatlong ginto sa Laos SEAG noong 2009 at ang mga nagkampeon ay sina Ronato Alcano sa men’s 8-ball singles at Rubilen Amit sa women’s 8-ball at 9-ball singles.

Sa isang pagpupulong noong Mayo, 2010 ay na­ipasa na ang 44 sports dis­ciplines para laruin sa 26th edisyon na gagawin sa Palembang at Jakarta.

Kasama sa mga apru­bado na ay ang mga sports na ipinapasok ng Indonesia pero nagbago ang ihip ng hangin dahil nais ng host na bawasan ang sports at events para makatipid sa gastusin.

Bago magtanggal o magpasok ng isang sports o events nito ay dapat katigan ito ng apat sa 10 bansang kalahok at nananalig ang Pilipinas na makakasama nila sa pagpigil sa plano ng host ang mga bansang Malaysia, Thailand at Vietnam na may mahuhusay na manlalaro sa billiards at women’s football.

Bukod sa pagpapana­tili sa dalawang sports na ito ay sisikapin din ng Pambansang delegasyon na maipasok uli ang arnis na ni­laro sa Manila SEAG no­ong 2005. 

ANG PILIPINAS

CHIEF OF MISSION CHITO LOYZAGA

INDO

JULIAN CAMACHO

MANNY LOPEZ

MONICO PUENTEVELLA

PAMBANSANG

SHY

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with