^

PSN Palaro

Martinez binugbog ni Melligen

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Patuloy ang pag-ani ng atensyon ni Mark Jason Melligen nang manalo ito kay Ga­briel Martinez sa undercard ng Donaire-Montiel sa Mandalay Bay Resort sa Las Vegas, Nevada.

 Hindi nakaporma ang Mexicanong si Martinez dahil kontrolado ni Melligen ang kabuuan ng 10 round na sagupaan tungo sa unanimous decision.

 Ang tatlong huradong kinuha ay kumbinsido sa ipinakitang husay ng 24-anyos na dating amateur boxing upang ibigay ang 99-91, 99-91 at 98-92 panalo.

 Sa ikapitong round nga ay muntik nang tumumba si Martinez nang masapol ng right hook sa panga pero nagawang isalba ng Mexican boxer ang sarili upang maalpasan ang round.

 Ang tagumpay na ito ni Melligen na nagsasanay sa gym na pag-aari ni Floyd Mayweather Jr. ay kanyang ika-21 sa 23 laban. Ito rin ang ikalimang sunod na panalo ng 5’7 tubong Baco­lod City pero ngayon ay namamalagi sa Los Angeles, matapos lumasap ng split decision na kabiguan sa ka­may ni Michel Rosales noong 2009.

 Nalasap naman ng 23-anyos na si Martinez ang ikalawang kabiguan sa 31 laban at nanatili siyang naghahanap ng panalo kapag ang laban ay ginaganap sa US.  

vuukle comment

BACO

DONAIRE-MONTIEL

FLOYD MAYWEATHER JR.

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MANDALAY BAY RESORT

MARK JASON MELLIGEN

MELLIGEN

MICHEL ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with