^

PSN Palaro

Patriots kailangang kumayod ng todo

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kailangang kakitaan ng mental toughness ang Philippine Patriots kung nais nilang mapanatiling bu­hay ang hangaring ma­idepensa ang titulo sa Air­Asia ASEAN Basketball League (ABL).

Natalo ang Patriots sa Game One sa best-of- three finals series nila ng Chang Thailand Slammers noong nakaraang Linggo, 66-58, kaya’t nalalagay sa dalawang must-win games ang koponan para mapanatili ang titulo sa bansa.

 “Nag-self destruct tayo sa fourth period. Lumamang tayo sa isang parte sa third at magkatabla pa­­pasok sa last quarter pero bumigay tayo dahil nagmadali tayo nang naka­lamang sila ng pito,” wika ni coach Louie Alas.

Dahil ang koponan ang may kasalanan sa pagkatalong nalasap kaya’t walang malaking pagbabago sa game plan nila papasok sa Game Two na gagawin bukas sa Philsports Arena sa Pasig City.

“Ang kailangan lamang namin ay focus mula sa si­mula hanggang matapos ang laro,” dagdag pa ni Alas.

Maging si Dr. Mikee Ro­mero na kasama ni Tony Boy Cojuangco ang team owners ng Patriots ay nananalig na babangon ang Patriots sa laro sa ho­mecourt.

“Nawala ang toughness natin sa fourth period at ito ang malaking bagay na nakaapekto sa atin sa game one,” wika ni Romero.

“I believe that we still have a good chance of turning the tide in our favor. But we need the support of our ‘kababayans’ to boost the morale of our players,” dagdag pa ni Romero.

Sina Steve Thomas at Gabe Freeman ang ma-ngunguna sa koponan pero aasa rin ang koponan sa pagbabalik ng tikas sa paglalaro nina Ernesto Billones, Benedict Fernandez at Jun Cabatu na hindi naramdaman sa Game One.

BASKETBALL LEAGUE

BENEDICT FERNANDEZ

CHANG THAILAND SLAMMERS

DR. MIKEE RO

ERNESTO BILLONES

GABE FREEMAN

GAME ONE

GAME TWO

JUN CABATU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with