Laylo sumampa sa three-way tie para sa liderato sa Moscow chessfest

MOSCOW, Russia--Tinalo ni Filipino GM Darwin Laylo si GM Alexei Gavrilov ng Russia sa mahalagang final round at makasalo sa isang three-way tie para sa top spot kasama sina GM Tigran Kotanjian at GM Nikolai Kabanov ng Russia sa 2011 Aeroflot Open Group B chess championships dito sa Hotel Gamma-Delta.

Ang 30-anyos na si Lay­lo ang nagdala sa kampanya ng bansa matapos umatras si GM Wesley So bukod pa ang tatlong su­nod na kabiguan ni GM John Paul Gomez.

Tumapos si Laylo na ka­tabla sina Kotanjian at Ka­banov, nag-draw sa kanilang laro, sa first place.

Ngunit matapos ang tiebreak system, lumabas na first place si Kotan­jian kasunod sina Laylo at Buchholz sa naturang nine-round competition na nilahukan ng 106 players mula sa 25 countries.

Pinaghatian nina Kotan­jian, Laylo at Kabanov ang premyong 19,500 euro pa­ra sa first three placers base sa Hort system.

Nakipag-draw naman si GM-candidate Richard Bitoon kay GM Zhao Xue ng China at lumabas na second-highest placed Filipino player sa kanyang 5.5 points. Si Bitoon, miyembro ng Philippine team sa 2010 World Chess Olympiad sa Khanty-Mansiysk, Russia, ay tumabla sa 13th hang­gang 28th places sa kanyang 5.5 points.

Tumabla naman sina 2011 Moscow Open runner-up IM Oliver Barbosa at Gomez sa 29 th hanggang 47th places sa magkatulad nilang 5.0 points, habang si IM Oliver Dimakiling ay dumikit sa 48th hanggang 61st places sa kanyang 4.5 points.

Show comments