6 lang sa Azkals ang puwede sa 26th SEAG
MANILA, Philippines - Sa kasalukuyang Azkals team, anim lang ang eligible na makakalaro sa 26th Southeast Asian Games na nakataklda sa Nov. 11-25 sa Jakarta, Indonesia.
Ito’y dahil 23-gulang o mas bata pa ang pinahihintulutan sa SEA Games na makalaro.
Ang mga makalalaro sa SEA Games ay ang 21-gulang na si Etheridge, lumalaro para sa Fulham sa English Premier League, 21-gulang na si Greatwich, kabilang sa Hartwick Hawks sa college, 20-gulang na si midfield Jason de Jong, 21-gulang na si defense David Basa at Fil-Germans 19-year-old Mark Drinkuth at 18-year-old Manuel Ott.
Ang ibang bubuo sa team ay pupunuan ng PFF pagkatapos ng regional Under-23 tournament kung saan ang best players mula Luzon, Visayas at Mindanao ay maglalaban-laban.
Hindi pa alam kung sino ang magiging team captain ng Azkals para sa SEAG.
Sina Fil-Brits Neil goalie Etheridge at midfield Simon Greatwich ang mga kandidato. Ngunit para sa kasalukuyang team captain na si Aly Borromeo at manager Dan Palami walang sigurado kina Etheridge at Greatwich, bahagi ng RP squad na tumalo sa Blue Wolves ng Mongolia, 2-0, sa kanilang AFC Challenge Cup duel noong Feb. 9.
“They’re (Etheridge at Greatwich) both capable but we’ll see what happens when we already form the team,” sabi ni Palami sa pagbisita ng ilang miyembro ng Azkals at Philippine Football Federation officials sa opisina ng Phil. Star kamakalawa.
- Latest
- Trending