2011 Seasports festival itinakda sa Marso
MANILA, Philippines - Mga pangunahing atleta ng bansa ang magtatagisan ng lakas sa muling pagtatanghal ng 2011 Manila Bay Seasports Festival sa Marso 12-13.
Isang proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Pasay, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Seasports Festival ay susukat ng galing at lakas sa pagsagwan ng mga dragon boat, gayundin sa pangangarera ng mga bangkang de-motor. Sa taong ito, magkakaroon din ng exhibition ng jetski.
Mahigit kalahating milyon ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, na gaganapin sa bandang Baywalk ng Roxas Boulevard kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturang atletang dagat mula sa ibat-ibang sulok ng kapuluan.
Ang Seasports Festival ay suportado rin ng Smart Communications, Caltex, Gold Eagle Beer, Revicon Forte, Zesto, Filinvest, NutriCee, M. Lhuillier, Choco Quick, Wings Detergent, Briggs and Stratton, at Cord Marine Epoxy.
- Latest
- Trending