PBL iniwan sa ere ng mga kalahok na team, naglipatan sa D-League
MANILA, Philippines - Kawalan ng kakayahan na makabuo pa ng anim na koponan ang siyang nagresulta upang kumulapso ang planong pagbabalik ng Philippine Basketball League (PBL) na dapat ay gagawin sa Marso 12.
Nagdesisyon ang Cobra Energy Drink, Pharex at Cafe France na maglaro na lamang sa Developmental League ng PBA matapos makita na ang paghihirap nilang buhayin ang dating premier amateur league ay nauuwi sa wala dahil hindi sila makabuo ng anim na koponan.
Ang pangyayari ay hindi inaasahan lala nga’t nitong Martes sa PSA Forum ay dumalo sina PBL chairman Ding Camua, Pharex team manager Jean Alabanza at itinalagang commissioner Nolan Bernardino upang ihayag ang napipintong pagbabalik ng liga.
“Sports Vision agreement with the PBL is we will operate and run their games provided they have at least six teams joining. We do not see a tournament to be viable if there are less than six teams. Pero hindi kami ang mag-aanyaya ng teams na sumali,” paliwanag ni Bernardino.
May panghihinayang man ay natutuwa na rin si Bernardino na hindi natuloy ang PBL upang makaiwas ang Sports Vision na sa kamay pa nila tuluyang namatay ang liga.
Ang D-League na ang sasalo sa dapat sana’y opening day ng PBL at katatampukan ang liga ng 14 na koponan.
Nauna nang lumipat mula sa PBL ang ANI-FCA habang ang iba pang magpapakitang-gilas sa unang edisyon ng ligang hawak ng PBA ay ang Powerade, Maynilad, Metro Pacific Tollways, Black Water/Ever Bilena, City of Antipolo, Handyfix/Max Bond, Pacific Pipes, PC Gilmore, Cebuana Lhuillier at Freego Jeans.
Masaya naman si PBA commissioner Chito Salud sa pagdagsa ng mga koponan at ang sunod nilang gagawin ay ilatag ang schedules ng laro at ang mga kaganapan sa opening.
“In this regard, we are meeting with the teams on Monday to go through the details on their participation,” wika pa ni Salud.
- Latest
- Trending