^

PSN Palaro

Jr. Davis Cuppers sisikaping makabangon

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Bukod sa Philippine Davis Cup team ay pursi-gido ring naghahanda ang Junior Davis Cuppers na magtatangkang bumangon buhat sa kinalulugarang Asia-Oceania pre-qualifying bracket.

Nalaglag sa grupong ito ang Pilipinas nang lumagay sa ika-15th at 16th place noong nakaraang taon sa Anquing, China.

Aabot sa 12 koponan ang maglalaban-laban sa torneong ito na gagawin sa Sri Lanka mula Pebrero 21 hanggang 25 at tatlong manlalaro ang sasandalan ng Pilipinas para makaangat sa 16-team qualifying stage sa India sa Abril.

Minamandohan ni coach Roland Kraut, ang maglalaro sa Pilipinas ay sina Jurence Mendoza, Jacob Lagman at Kyle Joseph.

Ang 14-anyos na si Men­doza ay kasapi ng nag­daang taong koponan habang baguhan naman sina 15-anyos Jacob Lagman at 14-anyos Kyle Joseph.

Sa murang edad ay be­terano na si Mendoza at noong nakaraang Disyembre ay hinirang na kam­peon sa Phinma ITF Tennis Championship Week 2 na ginanap sa Rizal Memorial Tennis Center.

Kailangan ng Pilipinas na mapasama sa unang tatlong bansa sa pre-qualifying tournament para makasama sa qualifying stage na bu­buuin ng 16 na bansa.

Ang mangungunang apat na koponan sa quali­fying stage ay magkakaroon naman ng pagkakataon na maglaro sa World Group sa Setyembre.

JACOB LAGMAN

JUNIOR DAVIS CUPPERS

JURENCE MENDOZA

KYLE JOSEPH

PHILIPPINE DAVIS CUP

PILIPINAS

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

ROLAND KRAUT

SRI LANKA

TENNIS CHAMPIONSHIP WEEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with