^

PSN Palaro

Gregorio umaasang makakasundo ni Ramos ang bagong import

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos pauwiin si Jajuan Smith, ti­tingnan naman ng Air21 si Alpha Bangura para iparada sa nalalapit na 2010-2011 Phi­lippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.

Binitawan ng Express si Smith dahilan sa pagiging pinakamaliit na import para sa naturang torneo bukod pa sa pagbagsak sa drug testing requirement ng Games and Amusements Board (GAB).

“Alpha is more of a leader-type of player and plays all-around basketball which what our needs from an import,” wika kahapon ni Air21 team manager Allan Gregorio kay Bangura ng University of Tennessee.

Ang 31-anyos na si Bangura ay na­ging isang ‘naturalized player’ ng Libyan na­tional basketball team at naglaro bilang import para sa Annibal Club sa Lebanon.

Kumampanya siya para sa Fayetteville Lowgators sa Developmental League ng National Basketball Association kung saan siya nagtumpok ng mga averages na 9.0 points at 2.8 rebounds noong nakaraang season.

Si Bangura ay inaasahang darating sa bansa bukas.

Umaasa si Gregorio na makakasundo ni balik-coach Bong Ramos, pumalit kay Yeng Guiao na lumipat sa Rain or Shine, si Bangura.

Sinasabing nakasagutan ng 6-foot-1 na si Smith si Ramos sa tune-up game ng Express laban sa Alaska Aces noong nakaraang linggo. Sa kanila namang tune-up match kontra Derby Ace, nalimitahan si Smith sa 11 points sa kanilang 89-109 kabiguan sa Llamados.

Si Smith ang ikatlong import na napauwi matapos sina Titus Ivory ng Powerade at Eddie Basden ng Alaska.

ALASKA ACES

ALLAN GREGORIO

ALPHA BANGURA

ANNIBAL CLUB

BANGURA

BASKETBALL ASSOCIATION

BONG RAMOS

DERBY ACE

DEVELOPMENTAL LEAGUE

EDDIE BASDEN

FAYETTEVILLE LOWGATORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with