Draw kay So, Gomez lider na sa Group B

MOSCOW, Russia - Nakihati ng puntos si Filipino GM Wesley So, habang umiskor naman ng panalo si GM John Paul Gomez para kunin ang liderato sa Group B ng 2011 Aeroflot Open chess championships dito sa Hotel Gamma-Delta.

Tinalo ni Gomez si GM Alexei Gavrilov ng Russia sa isang fifth-round showdown.

Nakihati naman si So sa puntos kay GM Stanislav Novikov ng Russia matapos ang 20 moves ng Sicilian sa Group A.

Ang mga naunang naka-draw ni So ay sina GM Alexandr Fier ng Brazil, IM Vasily Papin ng Russia at GM Zhou Weiqi ng China.

Itinaas ni Gomez, miyembro ng Philippine team na nag-uwi ng silver medal sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China, ang kanyang marka sa 4.5 points mula sa 4 wins at 1 draw sa nine-round tour­nament.  

Show comments