^

PSN Palaro

Slammers tinalo ang Ph Patriots sa Game 1

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng Chang Thailand Slammers na kaya nilang dominahin ang Philippine Patriots nang kunin ang 66-58 panalo sa Game One ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season II Finals kaha­pon na ginanap sa Thai-Japanese Association Gym sa Bangkok,Thailand.

Sa puntong inakala ng kanilang tagahanga na kukulapso ang Slammers nang makabangon pa ang Patriots sa double-digits na pagkakalubog ay inilabas pa ng home team ang pina­kamabangis na paglalaro sa huling yugto para kunin ang mahalagang 1-0 bentahe sa best-of-three championship series. Ito rin ang ikatlong sunod na panalo ng Slammers sa apat na pag­kikita ng Patriots sa ta­ong ito.

Si Ardy Larong ay nagpakawala ng tres habang sina Chris Kuete, Jason Dixon at Froilan Baguion ay umiskor sa mga transition plays para ang 49-all iskor ay naging 60-49 papasok sa huling 4:50 ng labanan.

Tuluyan namang natapos ang kampanya ng Patriots nang kunin ni Larong ang ikalima at huling foul ni Gabe Freeman may 2:37 sa orasan.

Si Kuete ang nanguna sa Slammers sa kanyang 18 puntos habang si Dixon ay naghatid ng 14 puntos at 13 rebounds. May 12 at 11 puntos sina Larong at Baguion habang 10 pa ang hatid ni Attanaporn Lertmalaiporn.

May 16 puntos si Freeman pero 13 rito ay ginawa niya sa first half. Tinapos niya ang laro taglay ang 7 of 24 shooting kasama ang 1 of 12 sa huling 20 minuto ng sagupaan upang katampukan ang masamang shoo­ting ng Patriots.

vuukle comment

ATTANAPORN LERTMALAIPORN

BASKETBALL LEAGUE

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRIS KUETE

FROILAN BAGUION

GABE FREEMAN

GAME ONE

JASON DIXON

LARONG

PHILIPPINE PATRIOTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with