LAS VEGAS - Dalawang tapes. Dalawang fights.
Ito lamang ang kailangan ni Manny Pacquiao para lubusang makilala at mapag-aralan ang istilo ni Shane Mosley.
“We will study his last two fights,” sabi ni Pacquiao sa kanyang pagharap sa media sa MGM Grand Garden Arena kahapon kung saan sila magtatagpo ni Mosley sa Mayo 7.
Panonoorin ni Pacquiao ang mga laban ni Mosley kina Floyd Mayweather noong Mayo at kay Sergio Mora noong Setyembre ng nakaraang taon.
Laban kay Mayweather, napuruhan ni Mosley ang una sa second round, ngunit natalo rin sa huli.
Kontra naman kay Mora, nauwi sa draw ang kanilang laban.
Tinanong si Pacquiao kung ito lamang ang gusto niyang mapanood.
“Yes, just his last two fights,” sagot niya.
“I know he can still punch,” dagdag pa ni Pacquiao sa 39-anyos na si Mosley.
Huling nakapagpabagsak si Mosley noong Enero ng 2009 nang patulugin niya si Antonio Margarito sa ninth round.
Hindi napatumba ni Pacquiao si Margarito sa kanilang laban noong Nobyembre ng 2010.
“He busted him bad but he didnt knock him out. That’s because of the difference in size,” sabi ni Mosley.
Si Mosley ay isang 5-foot-9 boxer at may wingspan na 74 inches, habang si Pacquiao ay 5’6” at may wingspan na 67 inches.
“That’s why Margarito landed some shots and hurt him at times. And I’m faster and physically stronger than Margarito,” sani ni Mosley.
“But everybody’s faster than Margarito,” wika naman ng isang miyembro ng American press.
“As I said, styles make fights. Pacquiao picked the right guy to fight,” sagot ni Mosley.