^

PSN Palaro

Para makuha ang istilo, huling 2 laban ni Shane pag-aaralan ni Manny

- Abac Cordero -

LAS VEGAS - Dala­wang tapes. Dalawang fights.

Ito lamang ang kaila­ngan ni Manny Pacquiao para lubusang makilala at mapag-aralan ang istilo ni Shane Mosley.

“We will study his last two fights,” sabi ni Pac­quiao sa kanyang pagharap sa media sa MGM Grand Garden Arena kahapon kung saan sila magtatagpo ni Mosley sa Mayo 7.

Panonoorin ni Pacquiao ang mga laban ni Mosley kina Floyd Mayweather noong Mayo at kay Sergio Mora noong Setyembre ng nakaraang taon.

Laban kay Maywea­ther, napuruhan ni Mosley ang una sa second round, ngunit natalo rin sa huli.

Kontra naman kay Mora, nauwi sa draw ang kanilang laban.

Tinanong si Pacquiao kung ito lamang ang gusto niyang mapanood.

“Yes, just his last two fights,” sagot niya.

“I know he can still punch,” dagdag pa ni Pacquiao sa 39-anyos na si Mosley.

Huling nakapagpabagsak si Mosley noong Enero ng 2009 nang patulugin niya si Antonio Margarito sa ninth round.

Hindi napatumba ni Pacquiao si Margarito sa ka­nilang laban noong Nobyembre ng 2010.

“He busted him bad but he didnt knock him out. That’s because of the difference in size,” sabi ni Mosley.

Si Mosley ay isang 5-foot-9 boxer at may wingspan na 74 inches, habang si Pacquiao ay 5’6” at may wingspan na 67 inches.

“That’s why Margarito landed some shots and hurt him at times. And I’m faster and physically stronger than Margarito,” sani ni Mosley.

“But everybody’s faster than Margarito,” wika naman ng isang miyembro ng American press.

“As I said, styles make fights. Pacquiao picked the right guy to fight,” sagot ni Mosley.

ANTONIO MARGARITO

AS I

FLOYD MAYWEATHER

GRAND GARDEN ARENA

MARGARITO

MOSLEY

PACQUIAO

SERGIO MORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with