Susunod na laban ni Pacquiao kasado na
LAS VEGAS - Hindi binabalewala ni Bob Arum si Shane Mosley.
Ngunit kahapon sa MGM Grand, sinabi ng legendary promoter sa ilang miyembro ng media na itinakda na niya ang susunod na laban ni Manny Pacquiao sa Nobyembre.
Ang venue, ayon kay Arum, ay depende kung sino ang susunod na makakalaban ni Pacquiao.
Kabilang sa kanyang mga sinabi ay sina Floyd Mayweather, Jr., Juan Manuel Marquez at Andre Berto.
“Floyd is still our number one priority,” wika ni Arum, sa nasabing undefeated American.
“We want to find out if he’s available or what his legal status is. Right now I have no idea,” dagdag pa ng promoter kay Mayweather na nahaharap sa mga kasong assault, larceny hanggang sa felony.
Nagkita sina Arum at Mayweather sa Super Bowl sa Denver at magkasamang nakunan ng litrato.
Ngunit sinabi ng Top Rank chief na hindi nila napag-usapan ang boxing.
“If it’s Floyd, then certainly it’s Vegas,” sabi ni Arum. “But if it’s Marquez, we might go somewhere else.”
Maaaring ikunsidera ni Arum na venue sa susunod na laban ni Pacquiao ang Abu Dahbi.
Nasa listahan rin ni Arum ang Singapore at Tokyo.
“We’ll see,” sambit ni Arum.
Kung sinuman ang makakalaban ni Pacquiao, nilinaw ni Arum na ito ay gagawin sa 147 pound division.
Ito ay kung mananalo si Pacquiao kay Mosley sa Mayo 7.
“From now on Manny is going to fight at 147. He is the welterweight champion and he will defend that title. Anybody who wants to fight Manny should fight him at 147,” ani Arum.
“Nothing less,” dagdag pa nito.
- Latest
- Trending