^

PSN Palaro

Mas mabigat ang labanan sa 26th SEAG - Mella

- Ni ATan -

MANILA, Philippines –  Masaya na ang Philippine Taekwondo Association (PTA) kung mapapana­tili nilaang isang ginto na napanalunan sa poomsae event sa Laos SEA Games sa gaganaping 26th SEA Games sa Indonesia.

Sa pagdalo ni national poomsae coach Igor Mella, ang Pilipinas at Vietnam pa rin ang malakas sa nasa­bing event pero patuloy din ang paghusay ng mga manlalaro sa ibang SEA countries kung kaya’t nani­niwala siyang mas mahigpit ang tagisang magaganap sa Indonesia.

Bukod pa ito sa katoto­ha­nang ang ibang sinasan­dalang manlalaro ng poomsae sa bansa ay walang pa­nahon na maibigay sa pagsasanay dahil sa pagi­ging abala sa trabaho o pag-aaral.

Ang Pilipinas ay tini­ngala sa poomsae o form discipline ng taekwondo dahil ang women’s team ay nagkampeon sa World Poomsae Championship noong 2009 habang sa sumunod na taon ay ang kalalakihan naman ang hinirang bilang world champion.

Sina Rani Ann Ortega, Janice Lagman at Camille Alarilla ang nagkampeon noong 2009 sa Cairo Egypt at sila ay nasa pool ng man­lalaro pa. Ang men’s team na nagkampeon noong nakaraang taon sa Tashkent,Uzbekistan noong nakaraang taon ay sina Jean Pierre Sabido, Brian Sabido at Anthony Matias.

Si Brian ay abala na sa kanyang trabaho bilang isang landscape architect at hindi na nakakapag-en­­sayo kaya’t posibleng ma­buwag na ang koponan sa kalalakihan.

ANG PILIPINAS

ANTHONY MATIAS

BRIAN SABIDO

CAIRO EGYPT

CAMILLE ALARILLA

IGOR MELLA

JANICE LAGMAN

JEAN PIERRE SABIDO

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with