Azkals balik training sa Pebrero 20

MANILA, Philippines –  Matapos ang kanilang isang linggong pahinga, magbabalik ang Philippine men’s football team na Azkals sa pag-eensayo sa Pebrero 20.

 Ito ang inihayag kahapon ni team manager Dan Palami sa pagdalaw ng Azkals sa opisina ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman Cristino L. Naguiat, Jr. para sa isang courtesy call.

“We’ll resume our training on February 20 and then we’ll leave for Baguio for about one week for the high-altitude training,” ani Palami sa Azkals. “We’ll be back to practice on an artificial pitch because that’s the pitch in Mongolia. Then hopefully we’ll get to Mongolia maybe a week before the game so that we can get acclimatize with the weather.”

 Tinalo ng Azkals ang Blue Wolves ng Mongolia, 2-0, sa Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup qualifiers noong Miyerkules ng gabi sa dinumog na Panaad Stadium sa Bacolod City.

 Sina Emilio “Chieffy” Caligdong at Fil-Briton Phil Younghusband ang siyang umiskor ng naturang dalawang goals para sa Azkals sa 42nd at 92nd minute ng naturang laro, ayon sa pagkakasunod. 

 Samantala, pinuri naman ni British football coach Simon McMenemy ang panalo ng Azkals sa Blue Wolves.

Si McMenemy ang siyang gumiya sa Azkals sa semifinal round ng nakaraang 2010 AFF Suzuki Cup kung saan nila ginitla ang nagdedepensang Vietnam bago natalo sa Indonessia sa Jakarta.

Show comments