MANILA, Philippines - Kinilala ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang gagawing paggawad ng parangal ng Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP) sa 100 pinakamahuhusay na Filipino athletes bilang paggunita sa ika-100 taon ng organized sports sa bansa.
“By giving due recognition to the great athletes in your roster, you celebrate their dedication and inspiring vigor, as well as their significance in the history of Philippine sports,” wika ng Chief Executive na ipinadala sa SCOOP sa pamamagitan ni assistant executive secretary at pinuno ng Malacañang’s correspondent office John Michael Co.
Ang grupo na pinamumunuan ni Eddie Alinea ay maggagawad ng SCOOP’s Century Sports Awards na katatampukan ng pagpaparangal din ng Greatest Filipino Athletes of the Century mula sa 100 atletang pararangalan sa Awards Night sa Mayo 25.
“I commend you for your efforts to enshrine the legacy of our athletes, who count among our modern day heroes, for they have contributed much to our country’s glory,” wika pa ng Pangulo.
May 100 manlalaro na nagbigay ng karangalan sa bansa mula pa sa kapanahunan ng Phlippine Amateur Athletic Federation (PAAF) noong 1911 hanggang sa kapanahunan ni Pambansang kamao Manny Pacquiao, ang siyang pagpipilian kung sino sa kanila ang lalabas na Greatest Filipino Athletes of the Century.
Ang mga bumubuo sa SCOOP’s Council of Leaders bukod pa sa mga sports editors ang pipili sa 100 pinakamahuhusay na manlalaro ng bansa.