^

PSN Palaro

Pacquiao nakatakas sa mga fan sa LAX airport

- Abac Cordero -

BEVERLY HILLS - Ang mga fan na umasang makikita si Manny Pacquiao sa LAX ay umuwing mga lu­haan.

Ang Filipino pound-for-pound champion, sisimulan ang isang four-six, six-day press tour para sa kanilang laban ni Sugar Shane Mosley, ay gumawa ng ‘Houdini act’ matapos tulungan ng mga airport authorities na makaalpas ng airport na hin­di nalalaman ng mga fan.

Nakasama ni Pacquiao ang kanyang asawang si Jinkee at anim pang miyem­bro ng kanyang grupo mula sa isang 12-hour trip galing Manila.

Ito ang unang pagkaka­taon na hindi nasilayan ng mga fan si Pacquiao sa arrival area ng LAX.

Maging sina Top Rank spinners Lee Samuels at Richard Jimenez ay nagta­ka sa biglaang pagtakas ni Pacquiao sa mga fan at sa isang CBS crew na ku­kuha sana ng kanyang footages.

“It was the first time he did that. But it doesn’t matter. The press tour doesn’t start until tomorrow,” sabi ni Wild Card security officer Rob Peters.

Magsisimula ang press tour bukas sa Beverly Hills Hotel bago dalhin si Pac­quiao at ang kanyang exclu­sive entourage ng isang pri­vate plane sa Las Vegas para sa Feb. 12 press confe­rence sa MGM Grand.

Sina Pacquiao at Mosley ay bibisita sa Chelsea Pier sa New York sa Valentine’s Day bago bumiyahe ang Filipino congressman ng isang three-hour train ride sa Washington para sa isang planned visit sa White House.

Mula sa airport, dinala si Pacquiao sa kanyang mansion sa Larchmont Park.

Sa kanyang $2 million residence ay hindi na napigilan ang kanyang mga LA-based friends sa pagsalubong kay Pacquiao.

Dumalaw rin si Alex Ari­za, ang strength and con­ditioning coach na sinasabing may sigalot sa ilang miyembro ng Team Pacquiao, ngunit kaagad ring umalis.

vuukle comment

ALEX ARI

ANG FILIPINO

BEVERLY HILLS HOTEL

CHELSEA PIER

KANYANG

LARCHMONT PARK

LAS VEGAS

LEE SAMUELS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with