AUBURN HILLS, Mich. - Sinabi ni San Antonio coach Gregg Popovich na hindi pa handa ang kanyang koponan para sa playoffs.
“There are teams playing better than we are,” sabi ni Popovich. “Just because we have the best record doesn’t mean we have the best team. To be that we have to be better defensively.”
Nagtala si Tony Parker ng 19 points at 7 ssists at ginamit ng Spurs ang kanilang depensa sa second half para sa 100-89 panalo kontra Detroit Pistons.
Umiskor ang Pistons ng 15 points sa third quarter at hindi na nakalamang pa sa Spurs sa kabuuan ng fourth period.
Hawak ngayon ng San Antonio, nakahugot ng 13 points kay Manu Ginobili at 10 points at 10 rebounds kay Tim Duncan, ang NBA-best record na 43-8.
Sa Miami, nagpasabog si LeBron James ng 41 points, 13 rebounds at 8 assists para ibangon ang Miami Heat mula sa isang 14-point deficit at padapain ang Indiana Pacers, 117-112.
Nagdagdag si Chris Bosh ng 19 points para sa Heat kasunod ang 17 ni Dwyane Wade at 16 ni Mario Chalmers.
Ito ang pang pitong sunod na arangkada ng Miami.