Cavs naisahan ng Mavericks

DALLAS - Wala pang koponan sa NBA history na natalo ng magkakasu­nod kagaya ng Cleveland Cava­liers.

Ipinalasap ng Dallas Mavericks ang pang 25th straight loss ng Cleveland matapos kunin ang 99-96 panalo tampok ang pag­hugot ni Jason Terry ng 11 sa kanyang 23 points sa fourth quarter.

Ito naman ang pang si­yam na sunod na panalo ng Mavericks, ang longest active streak ngayon sa NBA.

Sa Memphis, Tennessee, tumipa si Kobe Bryant ng 19 points, habang may 15 points at 11 rebounds naman si Lamar Odom upang igiya ang nagdede­pensang Los Angeles La­kers sa 93-84 panalo kontra Memphis Grizzlies.

Nakadikit ang Grizzlies sa fourth quarter subalit sinamantala naman ng La­kers ang limang turnovers ng Memphis para paka­walan ang isang 11-0 run at kunin ang 89-76 lead.

Sa Charlotte, North Ca­rolina, nagtala si Ge-rald Wallace ng 19 points, kasama rito ang dalawang freethrows sa huling 0.3 segundo, para igiya ang Charlotte Bobcats sa 94-89 paggupo sa Boston Celtics.

Nagdagdag si Shaun Livingston ng season-high 18 points para sa Bobcats, habang isinalpak naman ni Eduardo Najera ang isang krusyal na 3-pointer.

Show comments