St. Clare College 'di bumibitaw sa solong liderato sa B-League

MANILA, Philippines - Bigo man sa Adamson ay nananatili pa rin ang pagka­kakapit ng St. Clare sa unang puwesto sa National Collegiate Billiards League o B-League na ginaganap sa Star Paper Billiards Center sa Quezon City.

Lumasap ng 1-2 kabiguan ang Saints sa kamay ng Fal­cons pero nananatili silang nangunguna sa kompetis­yong inorganisa nina Perry Mariano ng Bugsy Promotions at Reli de Leon taglay ang 61 puntos.

Yumukod sina Ritcy Gogo at Vennis Mariano sa ka­may nina Kingford Llovit at Arvee Cabrera sa larangan ng 9-ball at 10-ball para masayang ang panalo nina Gogo at Richard Fernand kina Llovit at Cabrera sa 8-ball double.

Ang kabiguan ay agad ding pinawi ng Saints dahil dinurog naman nila ang Fatima, 3-0, sa isa pang laro sa ligang suportado rin ng Accel, H2O Hotel, Manila Ocean Park, Star Publication, PCSP, Negros Billiards Stable, Malungai Life Oil, Niknok Pritson Manok, Hermes Sports Bar, Human Plus, Star Billiards Center, Brunswick, Mediacom, San Miguel Corporation at GSM Blue.  

Umukit din ng 3-0 sweep ang National University sa Centro Escolar University para manatiling nasa ikalawang puwesto sa team standings sa 56 puntos torneo.

Show comments