^

PSN Palaro

POC makikialam na, cycling team sa SEAG aampunin

- Ni ATan -

MANILA, Philippines –  Papasok ang Philippine Olympic Committee (POC) upang matiyak na hindi ma­papabayaan ang Pambansang siklista na kakampanya sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Suportado ni POC pre­sident Jose Cojuangco Jr. ang ginawang pag-aalis ng suweldo ng siklista at coa­ches na ipinatala ng Phil­Cycling dahil nais ni­lang makita na maayos na ang problema sa liderato sa cycling na nagsimula noon pang 2009.

“These leaders should sit down and find a solution to the problem. The POC supports the decision made by the PSC,” wika ni Cojuangco.

May 16 siklista at apat na coaches ang nawalan ng suportang pinansyal sa PSC mula ngayong buwan at kamakalawa ay umapela ang mga ito kasama ni Phil­Cycling president at Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino.

Si Tolentino ay kinikilala ng international body UCI habang ang Integrated Cycling Federation of the Phi­lippines (ICFP) na ngayon ay hawak ni dating PSC chairman Philip Ella Juico ay may basbas ng POC.

Alam naman ni Co­juang­co na hindi dapat ma­ipit ang mga siklista na ang hangad ay sumali lamang sa torneo at magbigay ng karangalan sa bansa.

Dahil dito, aampunin ng POC ang mga siklistang mapipili ng binuong SEA Games working committee mula sa irerekomenda ng dalawang grupo.

Handa naman ang PSC sa pamumuno ni chairman Ricardo Garcia na magbi­gay ng allowances bukod pa sa ibang pangangai­langan upang matiyak na magiging palaban ang mga ito sa Indonesia.

“Inalis namin ang allo­wances di dahil ayaw namin sa mga siklista kungdi gusto lamang naming matiyak na ang perang gugugulin ay mapupunta sa maayos. Paano kami makakatiyak na may SEA Games team kung dalawang grupo ang kumakatawan sa cycling. Ngayon sila na ang makikipag-usap sa POC at kung sino ang mga siklistang pa­pangalanan ay siyang su­suportahan ng PSC,” wika ni Garcia.

Dahil sa problema sa liderato ay hindi nakasali ang Pilipinas sa cycling sa Laos SEA Games.  

DAHIL

INTEGRATED CYCLING FEDERATION

JOSE COJUANGCO JR.

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RICARDO GARCIA

SHY

SI TOLENTINO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TAGAYTAY CITY MAYOR ABRAHAM TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with